Ang Iyong Bagong Buhay kay Kristo

___________________________

 

Ang buhay Kristiyano na nais ng Diyos na ipamuhay natin ay hindi lamang isang pamantayan ng mga tuntunin o batas sa ating pag-uugali, ngunit ito ay isang mahalagang personal na relasyon sa Diyos na nagpahayag ng Kanyang sarili sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo.

Ang bawat Kristiyano ay maaaring magkaroon ng kasiguruhan na ang kanyang relasyon sa Diyos ay totoo. Kung wala ang kasiguruhan na ito, imposible para sa isang tao na makaranas ng tunay na kaligayahan at kumpletong katuparan sa buhay.

Sa sandaling tanggapin mo si Hesu-Kristo sa iyong buhay bilang Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, Siya ay papasok sa iyo.

Ito ang Kanyang pangako sa Pahayag 3:20. 

 

"Narito ako nakatayo sa pintuan at tumutuktok; kung sinuman ang duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa Kanya."

Pahayag 3:20

 

 Tinanggap mo na ba si Kristo sa iyong buhay sa ganitong paraan?

 Kung gayon nasaan na si Hesu-Kristo ngayon?

 Sang-ayon sa Pahayag 3:20, paano mo malalaman na si Kristo ay nasa iyong buhay?

Ngayong tinanggap mo na si Kristo sa iyong buhay, meron ka ng isang personal na relasyon sa Kanya.

Ikaw ngayon ay naging isang tunay na “Kristiyano.” Hindi ka naging Kristiyano sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay o dahil sa ang mga magulang mo ay Kristiyano.

Si Kristong buhay ay nananahan sa iyo.

 

 

Ang salitang Kristiyano ay nangangahulugang si Kristo ay nasa iyo.

 

Sinasabi sa Bibliya na maraming bagay ang nangyari nang si Kristo ay pumasok upang mamuhay sa iyo.

Next

©1994-2020 Cru. All Rights Reserved.